Jess, shempre alam kong hindi mo mababasa to kasi wala ka namang tumblr account at hindi ka naman mahilig gumamit mag computer at mag online. Dahil ang tanging hilig mo lang ay mag text at kumanta, at magsipag. Shempre ang mahalin din ako. Yan lang ang alam mo. :)
Salamat sayo pinakamamahal ko. Salamat sa lahat, Hindi ko kasi masabi sayo ng harapan yung gusto kong sabihin kasi nauuna yung tawa ko kesa sa sasabihin o kaya mas nauuna yung mga kalokohan ko kesa sa mga seryosong bagay. Salamat kasi, dinagdagan mo pa ng kulay yung buhay kong makulay. Mas pinasaya mo pa yung buhay kong masaya. Salamat kasi, ikaw ang kumumpleto ngayon sa buhay ko. Salamat kasi minahal mo ako, sa kabila ng lahat. Sa kabila ng kasamaan ng ugali ko sayo, sa mga kalokohan na ginagawa ko, sa pag papainit ko ng ulo mo, sa mga pang aasar ko sayo, sa pag tataray at pananakit ko sayo, sa pag seselos ko ng wala sa lugar at wala man lang kalutay lutay na dahilan. Salamat sa pag tanggap kung sino at ano ako.
Salamat din shempre sa mga efforts as in EFFORTS talaga kasi madami kang nagawa para sa akin nung umpisa palang hanggang ngayon hindi nag babago. salamat sa pag iintindi ng kasiraan ng tuktok ko, ng topak ko. Thank you kasi kapag nag aaway tayo, kahit ako ang may kasalanan ikaw pa rin ang nag hahabol at humihingi ng sorry sa akin. Yung tipong pag may topak ako, kahit ako ang nagawa ng ikakatopak ko ikaw pa rin ang nasalo ng init ng ulo ko. Thanks sa pag intindi. Sa lahat lahat.
Thank you sa mga araw at oras na mag kasama tayo hindi mo hinayaan na maging malungkot yung moment na yun. Thank you sa mga happy moments na kasama kita,at shempre sa mga mga pag subok na dumating satin at dumadating hindi mo ako ginigive up kahit minsan suko na ako at pagod. Thank you kasi naging malakas ka sa lahat ng pag kakataon. Thank you kasi minahal mo ako, kahit noon nung una mo akong nakita hindi kita pinansin at tinarayan kita, Thanks kasi sa apat na taon hindi mo nakalimutan tong pag mumukha kong impakta.
Salamat sa lahat jess, pero shempre nag papasalamat ako kay Lord kasi binigay ka nya sa akin sa di ko inaasahan na pag kakataon, Ikaw ang naging lakas at kahinaan ko. Thank you so much! I love you and i miss you :*
Drama ! Inlove akoo e :)
(Source: akoangpusanggala)
(via buhaybabae)
(Source: akoangpusanggala)
- Hindi ko ineexpect na darating pa ngayon sa buhay ko na maiinlove ako ulit pagtapos ng break up namin ng wala kong kwentang ex. Di ko akalain na sa pangalawang pag kakataon, mag mamahal ulit ako ng SOBRA. Sobra pa kesa sa noon. Nung nasaktan ako sa unang pag kakataon, parang nawalan na ako ng gana sa LOVE, ni hindi na nga ako halos nag kaka crush. Magka crush man, artista naman. Hindi na rin ako nag entertain ng mga manliligaw, as in sinarado ko ang puso ko pag tapos kong masaktan at maka move on. Yun bang pinadlock ko yung puso ko, tapos tinago ko na yung susi para wala ng makapag bukas. Hindi na rin ako naniwala sa salitang LOVE. Pag sinasabi nila kung bakit ako single, sinasabi ko nalang na mas masarap ang kumain kesa ang ma inlove. Yan ang dialogue ko nung bitter pa ako.
Yeah! Amindo ako na naging bitter ako pag tapos ng break up namin ni ex. Lahat naman siguro ng kagagaling lang sa break up ay nagiging BITTER! Hindi yun maiiwasan. Lagi kong iniisip na bakit pa ulit ako mag mamahal kung alam ko naman sa huli na masasaktan lang ako diba? sinabi ko pa sa sarili ko na hinding hindi na ako kukuha ng bato na ipapalo ko sa ulo ko.
Nag iba ang pananaw ko pag tapos kong masaktan. Hindi na ako naniniwala sa magic ng LOVE. at hindi na rin ako naniniwala na may mag mamahal pa sa akin. Para sakin kung may mag kagusto man sa akin, isang malaking kalokohan nalang ang lahat ng iyon. Kahit attitude ko nag iba, naging mas mataray ako, naging mas masungit, mas naging nagger, para hindi ako malapitan at walang magka interes sa akin. Pag tapos ng first break up na yon, sa tropa ko na lang natuon ang atensyon ko. Sila nalang ang naging kasiyahan ko.
Hanggang isang araw, may nangulit sa akin. Hindi ko makalimutan yung araw na kinukulit nya ako, kinukulit nya akong makuha ang number ko, at dahil sa sobrang kakulitan nya, kahit tanggihan at itaboy ko sya, hindi pa rin sya natigil, at sa sobrang asar ko dahil sa pangungulit nya sa akin, naibigay ko ang number ko ng wala sa oras. See? effective ang pangungulit na ginawa nya. Nakuha nya ang atensyon ko. -_- At syempre, nakuha nya ang number ko, nag umpisa na syang mas mangulit, yung tipong text sya ng text kahit di ako nag rereply, at parang nag mamanhid manhidan pa sya sa mga reply ko na “ok” which means i’m not interested with you. Yung tipong hindi ako nag rereply eh, niloloadan nya pa ako, ay nag ka sponsor pa ako ng load ng wala sa oras. At syempre dahil sa kanya galing ang load, ayun nahihiya naman ako, parang na obliga tuloy ako na replyan ang bawat text nya -____-.
Hanggang sa ayun na nga, mula sa simpleng pag tetext text, nag kita kami ulit, tapos nag kausap, nagkakilanlan, nagdate, hanggang sa sinabi kong ayaw ko na…………………………………………
Pero, nang sinabi kong ayaw ko na, bakit ako NASAKTAN? Noon ko nalaman na, nag uumpisa na akong mahalin sya. Sa bawat pag tulak ko sa kanya palayo sa akin, hindi ko maintidihan kung bakit ako nakakaramdam ng kung anong masakit sa puso ko. Naramdaman ko na malungkot ako, at may kulang kapag wala sya. Alam ko O.A, Pero kasi ayun talaga ang nararamdaman ko, hindi ako masaya pag wala sya. Hindi dahil sa nakasanayan ko na palagi syang nadyan, kundi dahil talagang mahal ko na sya. Hanggang sa inamin ko na mahal ko sya, at ayun BOOM. i’m in love again ^_^V
Nag mahal ulit ako, sa pangalawang pag kakataon, sumugal ulit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nag mahal ulit e samantalang sabi ko sa sarili ko ayaw ko na. Bakit ba kasi ganun? Yung mga bagay na iniiwasan mo na mang yari, nang yayari at yung bagay na pinag planuhan mo hindi mang yari yari. Nag iba ulit yung takbo ng buhay ko, yung patag ko na daan dati, nag karoon ng mga humps, pero masaya naman. Mejo mahirap ang may bagong minamahal, anjan yung masaya kayo kanina, nag aasaran sabay biglang mag kakapikunan, mag aaway at mag kakaroon na ng di pag kakaintindihan. pero kahit ganun, masaya pa rin, kasi hindi naman natatapos ang araw na magkagalit kami.
Masarap yung pakiramdam na nag mamahal ka, pero mas masarap naman yung pakiramdam na may minamahal ka at alam mong mahal ka. Sana, pag katapos ng lahat ng ag subok na pinag dadaanan namin ngayon, ay mas maging masaya kami. Mas masaya.
(Source: akoangpusanggala)
THANK YOU SO MUCH!!! :D
walang anuman ♥







